“Ge’ Talon”
Solo eksibisyon ni Reen Barrera
Hindi alintana ang mga di’ tiyak na sumasaklaw sa lahat ng bagay na nakapaligid, mga misteryong nababalot ng mga katanungang patong patong na dumadagdag sa kalawakan ng kawalan. Tila isang balon na walang katiyakan ang sukdulan ng kalaliman. Umalingawngaw ang tinig, “Ge’ talon!” na nagmistulang hudyat ng pagbabagong-anyo, pagpawi sa mga pagdududa. Tila kuryenteng lumiglig sa natutulog na kalamnan. Agimat na nagbigay ng lakas sa pagharap sa hamon na di alintana ang kahihinatnan. Ang tinig bang Ito’y mula sa kamalayan na nagsasabing wakasan ang kahinaan ng loob? O paguusig na sumugal sa pagharap sa mga di katiyakan, ano pa man ang kahahantungan? Kataka-takang Sa pag amba ay unti-unting nararamdaman ang kalayaan, dahan-dahang niyayakap ang paligid ng katahimikan. Wala din namang mawawala kung hindi susubukan, wala din kapupuntahan kung ang paiiralin ang pagaalinlangan. Bumigay sa sandali, kung saan ang tanging baon ay ang mga salitang humikayat “Ge! talon!”
Ang eksibisyong “Ge talon” ni Reen Barrera ay tumatalakay sa pagtitiwala sa sariling kakayahan at pagsugal sa mga di katiyakan sa buhay. Hango ang Ge, talon sa parilalang “Sige, talon! Una ulo!” mula sa mga online video games kung saan nangangahulugan ng pagsugod ng walang katiyakan. Kinakatawan ng kanyang mga piyesa ang imahe ng kanyang mga karakter na tila ba’y nakahinto sa hangin mula sa pagkakatalon ng mga ito, una ulo, di alintana ang babagsakan o kanilang kahihinatnan.
-Dennis Bato
Works
BALDOG
BULUSOK
GE TALON
KAWALAN
PATIHULOG
PIKITALON
SCULPTIRE: UNA ULO 1
SCULPTIRE: UNA ULO 2
SCULPTIRE: UNA ULO 3
SCULPTIRE: UNA ULO 4
SCULPTIRE: UNA ULO 5
TAKOT SINUKO
UNA-ULO