PATINGIN

Alam mo ba? May nakita ako..
Di ako magsasalita pero sasabihin ko sayo..
ang daming nangyari, di ko maipaliwanag
di maiwasan sa paningin ko ay mababad,

Ang init ng eksena, mahapdi sa mata,
tumatak sa utak, todo pagtataka
nakakaiyak na nakakatawa
Hindi lang dalawa, tatlo pa ang nakakita

Kathang isip na totoo, totoong kathang isip
Ang daming butas ng kwento
pwedeng pwede kang sumilip
ang pag tahimik ay isasabay sa pag-ihip..

napuwing sa hangin, pwede mo bang hipan
Para mawala ang nakakabulag na batong 
di makita sa harapan..
Basta pag nagkita tayo ikukwento ko sayo..
tingnan mo lang ako mabuti sa mga mata ko….

 

makuha ka sa tingin…

-doktor karayom

Works

EKSENA 1

48 x 60 inches Acrylic on Canvas 2019

Documentation